~yummyyhamme~

9.30.2006

Field trip...

Sobrang nakakapagod....
After two days ng pagkabilanggo sa loob ng madilim na bahay namin... walang means of communication sa mga tao sa labas.. (dahil una, walang internet, walang telepono at walang battery ang celphone..) e nakalabas na akho sa wakas knina ng bahay! Pgkatapos bagyuhin s loob ng tatlong oras ang Metro Manila (sabi ng PAGASA, 3 hrs lng dw nagstay ang bagyong "Milenyo" sa manila) nakapag-field trip pa kami sa chinese cemetery! At.. oh well... napagod akho... I must say that I learned a lot (in fairness s tour guide namin!) pero nakakapagod naman talaga ang tatlong oras na paglalakad sa buong sementeryo! but despite that, I never thought chinese cemetery holds so much relics from our history... dati, nung nagpunta akho dun, akala kho ang lahat ng puntod dun ay sing ordinary lng ng karaniwang cemetery na alam natin at lagi nating pinupuntahan except for the chinese practices na ginagawa dun in treating the dead which was some sort of ordinary na lang saken dahil sa chinese background ng daddy kho.. pero kanina ko lang nakita na punong puno pala ng "art" at history ang lugar... from clashing buddhism and catholicism to modern chinese mausoleum (am I still making sense?) eniweiz... kanina kho lang talaga naapreciate yung lugar, although I was not able to visit my great grandmother and auntie buried there, I was able to explore the whole cemetery more than sa pagpunta ko dun dati.. (around 2 years ago?)..
Pero mas kakaibang adventure p rin talaga ang nangyari nung thursday and friday.. biro nyo, I was forced to review physics 104 and physics 131 sa dilim which ended up in me-reading-a-love-story-novel.. grabe... in short, walang naganap sa akin noong bagyo, nagbuhay-baboy lang akho sa bahay.. bakit? ksi na-force si mommy na lutuin na yung laman ng ref kahapon at ubusin lahat dahil wala ngang kuryente, else bka mabulok lng yun mga laman ng fridge (kaya ngaun walang nang kalaman-laman ung ref namin, except sa tubig..hehehe...)
and pagpunta kho pa kanina sa UP (actually, maaga akong nagpunta hoping that I could charge my cellphone there..) e nagulat pa akho sa lahat ng nakita kho... ang daming putol na mga sanga, nagkalat na dahon at mga nabuwal na puno... nakakalungkot tingnan yung mga puno at halaman na nakatumba, I never thought na ganon pala kalakas yung naging bagyo... hindi kho ksi yun naramdaman nung thursday while at home and again.. "living a piggy life"... kung sobrang nabadtrip akho kagabi dahil wala pa rin kuryente, e paano p sa UP na wala din palang kuryente... grabe...
tapos, after two days na walang balita from the television, nung nanood aq ng tv knina, nagulat din akho dahil marami ding mga accidents ang naganap, mula sa nagbagsakang billboards to landslides... grabe... nakakalungkot....
So, let's just pray for those who died and was injured... I also pray for those who have lost their homes dahil sa bagyo...
parte lang ng buhay ito....
so...
ang masasabi kho lang...
I feel lucky kase hindi akho ganon naging apektado..
Thank God I'm alive!

9.24.2006

thoughts...

How can the Holy Eucharist affect the price of galunggong??


hhmmm... sounds absurd..right?...

Just a "something" to think about before this weekend ends...
(duh! ang sama talaga ng english q..)

mGa bagaY-baGay...

Maraming bagay ang nagpapalungkot sa akin ngayon... ang akala kong masayang araw ay hindi pala naging ganon...
Una.. meron akong napatamaang kaibigan.. at below the belt talaga ang tira kho, mali akho dun at masama 2loy sa feeling.. sana lang hindi xa nagalit sken... (kasi naman.. ang bibig kho, hindi mapigilan...tsk..tsk..tsk..)
At.. para sa pinakamamahal kong UPPA... basta.. mahal kho kayong lahat... nalulungkot lang akho sa mga nangyari (anong connect?!)... hindi kho alam kung dapat akhong magkwento dito (pero sige.. hindi na lang...) Sana natapos lang yon ng masaya.. naffeel ko kasing malaki yung impact nung nangyari kanina sa relasyon ng mga magiging bagong mems sa mga mems nah... Mahal kho ang org at gustong kong masaya lagi ang lahat... sayang talaga...
At panghuli... sana lang matapos na ang issue ng pag-uwi kho ng gabi sa magulang kho... lagi na lang ganito, ano bang dapat khong gawin? hindi kho sila maintindihan... akala kho ba settled na ang issue na yon? may napag-usapan na na tatawag akho pag gagabihin akho.. pero bkit kelangang magkaron nanaman ng argument pag-uwi kho??
haizzz.. hirap talaga ng layp!
Lesson Learned:
"Sa buhay, meron talaga tayong ginagawa na hindi natin namamalayang mali.. hindi kaagad natin narrealize yung implication non sa atin at sa mga taong nakapaligid saten.. paano na lang pag nangyari yon saten? magsosori na lang tayo? sapat na ba yun? hindi naman na mababago ang lahat ng naganap na diba? hindi na mababawi yung mga salitang nabitawan na, kung may nasaktan ka, nakasakit ka nah, mababago pa ba yun?....
So, anong dapat gawin??
actually, hindi kho alam!!!.. mahirap malagay sa situation na ganun..."

9.21.2006

nothing to do...

Maniniwala ba keo na wala akong mgawa ngaun? or pinipilit ko lang na wala akong mgawa kse ayokong magtrabaho...
Haizz.. d q maimagine, ala akong exam dis week at baka next week din.. kc naman, hndi pa 2loy ang exam sa 131 on Monday (actually, okay na rin yun, magbunyi tau.)... ibang klase talaga ang class q dun...
Narealize kho lately na hindi kho pala kayang magtaray... pinilit kho ang sarili kho pero walang nangyari, hindi kho nasindak ang dapat sindakin... anong nangyayari sken? ganun na ba kho nabago ng college? naaalala kho 2loy ang CAT namin ng hyskul, pano kaya nangyari yun na maraming masamang loob sking COCC? (kung ano ang nangyari? secret na lang.. past is past, nagkapatawaran na kami..hehe..=p) or baka nagtataray akho nung high school sa maling paraan?? waaaaaaaaaahhhh.. wala lang.. or ganon lang akho nagbago... dati kasi...
  • maxado akong moody, lahat yata ng lalake kong kbatch ay naranasan nang masigawan kho..(tanong nyo sila..hehe..).. kahit babae pa nga...
  • grade conscious...
  • madaling mag-panic, lalo na pag may deadline na papalapit, career e!
  • hindi nangongopya..
  • hindi rin nagpapakopya..
  • isang leader.. pala-utos pa!
  • laging may "say" sa mga bagay-bagay...
  • at marunong magtaray..promise!

pero ngaun, wala na ang lahat ng yan! promise! hndi akho ganito dati... hindi kho rin alam kung ano ang naganap, pero pasalamat na rin akho kse at least nabago kho ang sarili kho..ayoko na rin kse na maging maxadong masama sa tao.. sabagay, i tried my best na rin to change.. We all have to act our age dba? Kelangan na magmature e! although I'm not perfect pero at least, ngaun kho lang nrealize, na medyo naalis kho n pala sa sistema ko yung mga bagay na nabanggit kho.. kung kilala nyo kho dati pa. I'm sure you'll say na napaka-childish kho, spoiled-brat at moody, (yes! "moody" was the best word to describe when i'm in high school, sabi nga ni ida: "Wag na kakausapin si yummy pag may ginagawa!")... naisip kho din ngaun lang na bihira na rin pala akho sumpungin dito sa bahay (actually, hindi na nga since pasukan).. dahil ba lagi akong wala? does this also show na nagmamature na kho?... hehehe... pero isa lang talaga ang hindi nawawala sken.. ang panlalait ng tao.. nasa system kho na kasi yun... hazardous na sa health kho pag nawala pa..=p

***Hay naku, pagpasensyahan na ang post kho, ito lang ang nangyayari sa taong walang magawa kaya nag-assess na lang ng sarili..=p

9.17.2006

^_^

just for correction, natama q nah ang maling gingwa q s computation ng Millikan Oil Drop Experiment, we had an experimental value of 1.077x10^-19, 32.77% error!! weeeeeeee!! hehehe...=p

9.16.2006

no title...


ayan! magrelax muna bago ituloy ang ginagawa para sa Milikan Oil Drop Experiment... bad trip ang data namin! bakit gn2?? 10^-8 ang order of magnitude n nkkuha q s charge? ang layo s theoretical na around 10^-19!! kaasar!

hinde.. may mali lang sa ginagawa q... uultin q mmya..hehehe...

kaya..ito.. magrelax muna ng utak.. kakatapos lang dn knina ng 2nd Long exam namin sa 104... at.. wooohoooo! maaga aq nkrating s bahay, mataas pa ang araw! around 4pm.. minsan lang mangyari to kaya hayaan nyo na ko magbunyi...

so..as a continuation sa mga kwentong jeepney mula dun s nakaraan kong pinost, kahapon, while I was riding a UP-SM NORTH jeepney (at nakaupo aq sa tabi ng driver), pagdaan namin sa philcoa, bglang cnabi sken ng driver:

"Miss, magseatbelt ka, may pulis na nagchcheck e!"

at ang reaction q naman ay...

!?@#$%!!?*&@!huh?! asan??"

tapos may kinuha xa na "SEATBELT NGA!!" dun s sulok pero walang lock sa tabi q.. kc naman, asa k naman kse s jeep dba? ang sabi lang nya sken...

"isukbit mo lang s katawan mo... para kunyari meron..."

grabe.. ngaun q lang nalaman, uso pala ang seatbelt s jeep... at ayun! nagpauto naman aq s driver...

la lang..gs2 q lang ikwnto..pagbigyan na akho... hehehe...
=================
Challenges are gifts that force us to search for a new center of gravity. Don't fight them. Just find a different way to stand.


9.05.2006

kairitahan...

a LitTLe boY wAs asKeD wHat fOrgiVeneSs is...
hE GavE a bEauTifuL anSweR...

"iT iS thE fRagraNce tHat fLoweRs giVe wHeN thEy arE crUshEd..."

========================

katatapos q lang gumawa ng summary report sa 104.1.. and its about uncertainty principle...

eniweiz...

I was actually having mood swings these past few days... kung cno-cno 2loy ang nasusungitan q.. i don't know.. maybe because I have sumthing that only girls can understand.. basta... at sumtyms pag nagstart na ko mairita, lalo akong naiirita kc naiirita aq.. gets?

speaking of mga kairitahan sa buhay... ayon sa aking obserbasyon sa bawat umaga at gabi na bumibiyahe ako pauwi, e nakaka-encounter aq ng mga nagkakainitan sa jeep... lalo na ang problema sa pag-para... minsan pa nga ay nadadamay aq.. tulad knina, nasigawan aq ng driver! kmusta naman un dba? porket umusod lang ako sa likod, paano nya dw maaabot sken ung sukli e ang layo kho (ala kcng nakaupo sa side ng kinauupuan q from him)... hay naku! natawa na lang akho para hindi naman mukhang pahiya sa tao..hehe..

madalas dn nagaganap ang nagsisigawan na pasahero at jeepney driver dahil sa hndi malaman kung bingi-bingi ba ang driver?? o mali lang ang lugar na pinag-parahan ng pasahero?? meron naman kc minsan mga passengers na on the spot mag-papara, e hello?? wala kayang abrupt stop! kelangan muna magdecelerate ng sasakyan for some period of time..hehehe..

may time dn n nsa bus akho... nag-away ang isang ale at konduktor dahil sa nagtanong lang ang konduktor kung may ticket na ung dlwang ale na sumakay.. parang nakulitan yta ung dlwang psahero.. umabot 2loy s murahan at bantaan ng buhay ung dlwa.. (siryoso 'toh!) matatawa ka pa sa ale kse ang tapang nya, papabaril dw nya ung konduktor... etc. etc... bsta..hehehe...

one tym dn psahero sa pasahero...meron kasing dlwang babae, sumakay sa jeep, tpos naapakan nung sumakay ung paa nung isang matanda, tpos, nagsori naman ung nakaapak..pero hndi doon nagtapos ang usapan, grabe ung matanda, galit na galit dun sa babae!, sinuntok pa sa tuhod (o dba? ang laking issue!) dinakdakan pa nya ng dinakdakan sa buong biyahe ng jeep from philcoa to mindanao avenue (sa may mcdo)... sinabihan nya ng walng modo, bastos, etc. etc.. pagbaba 2loy ng matanda, pinagusapan xa nung ibang nksakay, xa kc ung lumabas na walang modo kc maraming beses naman humingi ng sori ung nakaapak.. at ang foul p dun, sinuntok nya s tuhod...

meron dn barker sa pasahero..pero nakakatamad na magkwento..next tym na lang..

gs2 q na matulog!!

birthday nga pala ng mommy kho..

Happy Birthday Mommy!!

9.02.2006

____

The LORD will keep you from all harm,
He will watch over your life;
The LORD will watch over your coming and going..
both now and forevermore...
PSALM 121:7-8

baby..


Stubborn and hard-hearted. Strong-willed and highly motivated. Sharp thoughts. Easily angered. Attracts others and loves attention. Deep feelings. Beautiful physically and mentally. Firm Standpoint. Needs no motivation. Shy towards opposite sex. Easily consoled. Systematic (left brain). Loves to dream. Strong clairvoyance. Understanding. Sickness usually in the ear and neck. Good imagination. Good physical. Weak breathing. Loves literature and the arts. Loves traveling. Dislike being at home. Restless. Not having many children. Hardworking. High-spirited.

Maniniwala ba keo sa pinost q n yan? haha! la lang...
Kasi naman.. kelangan q gumwa ng reaction paper for the play of PETA that I had watched for my art stud 2 class.. at ano bang reaction ang mssbi q dun? edi ala.. hndi nga sulit kse nakailang beses yta kmi lumipat ng upuan dun nila mimie, akala q kse reserved ung seat, pero pagpasok nmin, wala tlgang upuan dun, monoblock chairs lng n pede mo ipwesto khit saan... to think na worth 250php ung pinanood nmin, maxado xang mahal..
haizz.. grabe.. hndi q mapaniwalaan na ngaung sabado na 2, buong araw aq nsa UP at gabi na nakauwi... hndi q nnman ramdam ang weekend! ang dami nnman ggwin.. gs2 q ng bakasyon! sna magkaron naman aq nun ngaun..
grabe, "ber" month nah.. ang bilis tlga ng pnahon... parang kahapon lang december, tapos new year tpos ngaun papalapit nanaman ang christmas... kelangan nnmn ba magdecorate ng bahay?? (as if naman tumutulong ako kina mama pag nagaayos xa ng bahay..hehe)...
grabe.. ramdam q n tlga ang pagod ngaun sa buhay uwian q.. dati ang sabi q pa.. "kakayanin kho to! kahit uwian okay lng, wag na kong mag-inarte.." pero ngaun hndi nah tlga.. napapagod na ako at wala na kong nagagawa pag weekdays dahil pag ginabi na kho, sobrang late na ko nakakauwi, pagod pa sa biyahe, khit pilitin q katawan at utak q para mag-aral or magsagot sa prob set, bale wala.. kse pagod na ang katawan ko, kaya tlgang sinusukuan q na ngaun ang buhay uwian.. sana next sem makahanp na kmi ng hauz nila mimie at angel.. pero ayoko naman kc mag-boarding hauz na may ibang tao akong ksma (ang arte q rin noh?) gusto q, kilala q dn mkksama q...
haizz.. tama na nga muna ang kwento.. kelangan q nah gumwa ng paper or else ala nanaman mangyayari sa buhay q ngaun...
nga pla, i got may first YBCO sample fresh from the furnace knina... ang i've already grind and pelletize it for second sintering..sana okay maging kakalabasan..hehe... sobrang naeenjoy q tlga ang inaapplyan kong lab ngaun, sna matanggap akho dun..=p

9.01.2006

____b l a n k_____

haiizzz...

wala akong masulat...

nakakapagod kc itong Linggo na 'to....